Lakers swak sa NBA finals tinapos ang Nuggets sa game 5
Masayang tinitingnan ni Lakers’ star Anthony Davis ang hawak na Western Conference Finals trophy ni LeBron James matapos sibakin ang Nuggets.
Lakers swak sa NBA finals tinapos ang Nuggets sa game 5
(Pilipino Star Ngayon) - September 28, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Matapos makabangon mula sa dalawang beses na 1-3 pagkakabaon sa first at second round series ay hindi na ito naduplika ng Denver Nuggets.

Isinara ni LeBron James at ng Los Angeles La­kers ang kanilang Western Conference finals series ng Nuggets sa 4-1 matapos kunin ang 117-107 panalo sa Game Five patungo sa NBA Finals kahapon dito sa NBA bubble.

Itinala ni James ang kanyang ika-27 postseason triple-double para ipasok ang Lakers sa unang NBA Finals matapos ang isang dekada at sasagupain ang mananalo sa semis showdown ng Miami Heat at Boston Celtics.

“My teammates said bring us home and it was my responsibility to try to make the right plays and do the right things on the floor to help us win ballgames,” sabi ni James sa trophy presentation sa Disney World.

Nagsumite si James ng 38 points, 16 rebounds at 10 assists para ma­ging ikaapat na player na maglalaro sa kanyang ika-10 NBA Finals habang may 27 markers si Anthony Davis na sasalang sa una niyang NBA Finals.

Kinuha ng Los Angeles ang 72-56 abante sa third quarter hanggang makatabla ang Denver sa 84-84.

Tumipa si James ng magkasunod na basket para muling ilayo ang La­kers sa 95-88 na binura ng Nuggets para makalapit sa four-point deficit.

Ang three-point shot ni Danny Green mula sa ika-10 assists ni James ang nag-angat sa Los Angeles sa 108-99 bentahe.

Umiskor sina center Nikola Jokic at Jerami Grant ng tig-20 points para sa Nuggets at nagdagdag si guard Jamal Murray ng 19 points at 8 assists.

LAKERS NUGGETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with