^
Striegl sasalang sa UFC sa Las Vegas
Mark Striegl
Cheryl Tay/ONE FC

Striegl sasalang sa UFC sa Las Vegas

(Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mapapasabak agad si Southeast Asian Games gold medalist Mark Striegl matapos pumirma ng kontrata sa pamosong Ultimate Fighting Championship.

Masusubukan ang lakas ng Filipino-American mixed martial artist sa pagharap nito kay Timur Valiev ng Russia sa Agosto 23 bilang  undercard bout sa UFC Fight Night: Munhoz vs. Edgar.

Idaraos ang bakbakan sa UFC APEX Center sa Las Vegas, Nevada.

Hawak ng 32-anyos na si Striegl ang 18-2 rekord habang armado naman si Valiev ng 16-2 baraha.

“I think with anything in life, anything you’re passionate about you have to keep trying. I’ve fought in so many promotions, I fought in ONE Championship, PXC, URCC, Legend, made my debut in San Diego, California in Total combat,” wika ni Striegl sa The Hit List na iprinisinta ng Smart Sports.

Masaya si Striegl na masisilayan na ito sa prestihiyosong UFC kaya’t inaasahang ibubuhos nito ang buong lakas nito upang magkaroon ng engrandeng debut sa event.

Matikas ang rekord ni Striegl.

Sa katunayan, hindi umubra sa kanyang lakas ang mga karibal nito noong 2019 SEA Games sa Maynila para matamis na angkinin ang kampeonato sa men’s 74-kg. division g sambo competitions.

Sasalang ang dating URCC Featherweight Championship titlist na si Striegl sa bantamweight division.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with