Paeng nagsumite ng health at safety protocols
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

Para sa pagbubukas ng mga bowling centers

MANILA, Philippines — Hindi isang contact sport ang bowling, kaya dapat na itong payagang magbukas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID).

Ito ang paniniwala ni four-time World Cup bow­ling champion Paeng Nepomuceno na nagmamay-ari ng ilang bowling centers sa bansa na naapektuhan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“We have already submitted (the protocols) on how it will open and we’ll be observing health and safety protocols,” ani Nepomuceno sa “Power and Play” program ni dating PBA Commissioner Noli Eala.

Maliban sa mga bow­ling centers ay kasalukuyan pa ring nakasara ang mga gyms, fitness centers, re­view centers, internet shops, personal grooming services at drive-in ci­nemas dahil sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Agosto 18.

Mahigpit na health at safety protocols ang ipapatupad sa mga bowling centers, ayon sa 63-anyos na Pinoy bowling legend.

“Even sa seating arrangement. Let say pagtira mo on one lane you will go to the next seat with distancing. The bowling balls should be cleaned after you execute,” sabi ng kasalukuyang adviser ng Philippine national team.

Sapul nang ilagay sa ECQ ang Metro Manila noong Marso 15 dahil sa COVID-19 pandemic ay isinara na ang mga bowling centers sa mga malls.

“We have been very much affected. We’ve been closed since March 15. Most of the bowling centers are in the mall, so unang problema iyon,” ani Nepomuceno.

BOWLING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with