^

PSN Palaro

World title fight ni Magramo ipinagpaliban

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
World title fight ni Magramo ipinagpaliban
Giemel Magramo
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa ikalimang pagkakataon, kinansela ang bakbakan nina Pinoy sensation Giemel Magramo at Japanese fighter Julio Nakatani para sa bakanteng World Boxing Organization flyweight crown.

Nakatakda sana ang salpukan nina Magramo at Nakatani sa Agosto 21 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Subalit ipinagpaliban na naman ito ng mga orga­nizers matapos muling lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Japan.

Dahil sa paglala ng sitwasyon, mas mahigpit ang patakarang ipinatutupad ng Japan partikular na sa mga papasok na foreigners sa kanilang bansa.

Orihinal na naka-sche­dule ang Magramo-Nakatani noong Abril 14 na nakansela at inilipat noong Hunyo 6.

Muli itong ipinagpaliban at itinakda sa Hulyo 22 na naging Agosto 1 hanggang sa maging Agosto 21 — lahat dahil sa coronavirus.

Wala namang magawa si Magramo kundi ang sumunod sa mga ipinatutupad ng organizers at maghintay kung kailan itutuloy ang laban.

Kasalukuyang ranked No. 1 ang 25-anyos na Pinoy pug kung saan hawak nito ang 24-1 baraha tampok ang 20 knockouts.

Galing ito sa pitong sunud-sunod na KO wins.

Sa kabilang banda, armado si Nakatani ng malinis na 20-2 rekord kabilang ang 15 knockouts.

vuukle comment

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with