Mga pro leagues puwedeng gumaya sa protocols ng ibang bansaâMitra
GAB chairman Baham Mitra
STAR/File
Mga pro leagues puwedeng gumaya sa protocols ng ibang bansa—Mitra
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Sa kanilang pagbabalik-aksyon

MANILA, Philippines — Bukas ang Games and Amusements Board (GAB) sa inaasahang paggaya ng mga professional sports sa Pilipinas sa ipinatutupad na health at safety protocols ng ibang international leagues sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ang gusto lamang tiyakin ni GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ay ang kaligtasan ng mga players, coaching at team staff ng Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Football League (PFL) at Chooks-to-Go 3x3 national team.

“We don’t want to close doors eh. We want to give opportunites basta safe lang,” wika kahapon ni Mitra sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition.

Gumamit ang National Basketball Association (NBA) ng ‘bubble’ concept sa Walt Disney complex sa Orlando, Florida habang mahigpit na protocols ang ginagamit sa mga US baseball at European football leagues.

Noong Linggo ng gabi ay inilagay ng Malacañang sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan na magtatapos sa Agosto 18 bunga ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay muling ipinagbawal ang pagbabalik ng PBA, PFL at Chooks-to-Go 3x3 national team sa training at conditioning sa mga lugar na nasa MECQ.

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with