NBA players walang reklamo
(Pilipino Star Ngayon) - July 15, 2020 - 12:00am

Sa mahigpit na patakaran ng NBA

MANILA, Philippines — Walang reklamo ang mga NBA players sa mahigpit na patakarang ipinatutupad ng liga upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng nasa Walt Disney Resort sa Orlando, Florida.

Alam ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na magandang hakbang ito para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus di­sease (COVID-19) lalo pa’t marami nang tinatamaan ng virus sa Amerika.

Para kay Antetokounm­po, mas magandang magpasalamat na lamang dahil malusog at ligtas ang pangangatawan nito at magkaroon ng positibong pananaw sa halip na magreklamo.

“I’m in a situation where I’m extremely blessed and I cannot complain. Obviously, it doesn’t matter where you are in life, there’s always something to complain, there’s always a problem and an issue. But I try to kind of not focus on that,” ani Antetokounmpo sa panayam ng ESPN.

Sa katunayan, maliit ang hotel room nito sa Disney Resort ngunit wala itong magagawa kundi ang magtiis at mag-enjoy na lamang habang nasa quarantine environment o mas kilala sa tawag na “bubble.”

“So as I said, my apartment in Greece when I was younger, with my four brothers, was way smaller than the suite that I have in the hotel, so I’m just trying to enjoy the moment,” ani Antetokounmpo.

Todo higpit ang NBA sa patakaran dahil may dalawang NBA players na naman ang nagpositibo kahapon sa Orlando.

Ayon sa statement ng NBA, sa 322 manlalarong sumailalim sa swab test, dalawa rito ang nagpositibo sa coronavirus.

Pinaalis na muna sa Disney World ang mga manlalarong nagpositibo at inilagay sa isolated house.

Sinabi pa ng NBA na simula noong Hulyo 1, may 19 players na ang nagpositibo sa COVID-19 na agad na pinauwi para ma­karekober sa kani-kanilang quarantine facilities.

Kaya naman todo ang pag-iingat ng mga NBA players partikular na ang mga nasa loob ng Disney World.

“I’m happy that we’re back playing basketball, something that I love doing, so there’s nothing really to complain about,” dagdag ni Antetokounmpo.

NBA PLAYERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with