NBA inilabas ang scrimmage schedule para sa restart season

NEW YORK -- Inilabas kahapon ng NBA ang scrimmage schedule para sa darating na 22-team restart season sa ESPN Wide of Sports Complex malapit sa Orlando, Florida.

Mula sa Hulyo 22 hanggang 28 ang bawat koponan ay sasabak sa tatlong inter-squad scrimmages bilang paghahanda sa pagbabalik ng 2019-2020 season sa Hulyo 30.

Tatlo hanggang anim na scrimmages ang gagawin sa isang araw sa magkakaibang courts.

Makakatapat ng Orlando Magic ang Los A­ngeles Clippers sa Hulyo 22. Haharapin naman ng Washington Wizards ang Denver Nuggets habang magtutuos ang New Orleans Pelicans at Brooklyn Nets at magkikita ang Sacramento Kings at Miami Heat.

Inaasahang darating ang mga koponan sa Florida sa Hulyo 7 hanggang 9.

Show comments