^

PSN Palaro

Kai Sotto level up na talaga!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kai Sotto level up na talaga!
Kai Sotto
STAR/File

MANILA, Philippines — Patuloy ang transformation ni dating UAAP Juniors MVP Kai Sotto na tunay na nag-level up para sa kanyang pagpasok sa NBA G League.

Sa isang video na ipinost nito sa kanyang Instagram story, ipinakita nito ang kanyang abilidad sa vertical leap kung saan u­mabot ito sa may 11 hanggang 11.5 feet.

Sa ganitong uri ng reach, kayang kaya ng 7-foot-2 Pinoy cager na sumawata ng mga atake ng kalaban partikular na kung may magtatangkang mag-slam dunk.

Bata pa si Sotto.

Nasa 18-anyos pa lamang ito kaya’t mas malawak pa ang tinatawag na “room for improvement” upang lubos na maging halimaw ito sa loob ng court.

Kaya naman marami ang naniniwala na nasa tamang direksiyon si Sotto para sa kanyang inaasam na paglalaro sa NBA.

Mismong si The Skills Factory coach Rob Johnson ang humanga sa abilidad ni Sotto.

At hindi aniya malabong matupad ang kanyang NBA dream kung ipagpapatuloy lamang nito ang kanyang training.

Isa si Johnson sa mga tumututok kay Sotto habang nagsasanay ito sa The Skills Factory.

Kailangan lang aniyang manatili sa mga mata ni Sotto ang init upang mas lalo pa itong matuto at mag-improve.

Maliban sa skills, ha-ngang-hanga si Johnson sa magandang asal ni Sotto sa loob at labas ng court o ng training camp.

Isa na rito ang pagiging masunurin at pagbibigay ng respeto na kilalang magandang kaugalian ng mga Pilipino.

Malapit din si Sotto sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga nakababatang kapatid.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with