Local cycling organizers unti-unti nang nakakakita ng liwanag

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng mga local cycling stakeholders ang pagbibigay ng UCI, ang world governing body, ng ‘green light’ sa mga cycling competitions.

Kaya naman kaagad sinimulan ng mga local organizers ang paglalatag ng kanilang mga plano para magdaos ng karera ngayong taon o sa susunod na taon.

Karamihan sa mga ca­lendared competitions ay kinansela dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“It is already allowed by the UCI as well as the IATF (Inter-Agency Task Force) because there is sure social distancing because they race really fast,” wika ni PhilCycling and Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Malugod na tinanggap ng LBC Ronda Pilipinas at Le Tour de Filipinas ang magandang balita.

“It’s a welcome deve­lopment because it means we will resume our quest to discover new talents while promoting physical fitness as well as local tourism,” ani Ronda chairman Moe Chulani.

Plano naman ng  Le Tour na magdaos ng one-day o two-day races nga­yong taon.

“We are also focused on possibly organizing ITT (individual time trial) races late this year or if the IATF relaxes further protocols instead of massed start,” sabi ni Jun Lomibao, ang Le Tour organizer at PhilCycling board member.

Sinimulan na ng Vietnam ang isang 18-stage domestic race dahil wala nang napaulat na kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ang Europe ang magi­ging una sa kanilang rehiyon na magtatakda ng karera matapos mag-iskedyul ang Tour de France ng ilang warm-up races simula sa Route d’Occitanie na papadyak sa Agosto 1-4 sa France.

Show comments