Aksyon sa PBA posible sa Hunyo
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung magiging maganda ang sitwasyon ukol sa coronavirus disease (CO­VID-19) ay ibabalik ng PBA ang mga aksyon ng 2020 Philippine Cup sa Hunyo.

Ito ang magiging panukala ni PBA Commissioner Willie Marcial sa Board of Governors sa kanilang gagawing online meeting ngayong linggo.

“Ang nakikita kong pinakamaagang balik ng PBA ay June,” wika ni Marcial. “Kasi, even if the country is able to flatten the COVID-19 curve in April or May, I have to give our teams a month of practices before we resume play.”

Makaraang buksan ang 2020 PBA Philippine Cup noong Mayo 8 ay sinuspindi ng liga ang mga laro matapos ang tatlong araw bunga ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Pag-aaralan ng PBA Board ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa sa isang video conference na ipinatawag ni PBA chairman Ricky Vargas.

Dahil sa nasabing virus ay posibleng ibalik ng PBA ang two-conference na nauna nang ipinatupad ni dating Commissioner Noli Eala at posible ring tuluyan nang kanselahin ang PBA D-League Aspirants’ Cup.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with