^

PSN Palaro

Obiena may misyon sa 2020 Tokyo Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May isang taon pa si Southeast Asian Games pole vault record holder Ernest John Obiena upang mas lalo pang mapataas ang kanyang performance para sa 2020 Tokyo Olympics na inilipat sa susunod na taon.

Hawak ni Obiena ang personal best na 5.81 metro na nakuha nito noong Setyembre sa isang torneo sa Chiara, Italy na nagbigay-daan para makakuha ng silya sa Tokyo Olympics.

Ngunit hindi pa kuntento si Obiena sa naturang performance.

Nais ng 24-anyos Pinoy bet na makapasok sa podium sa Tokyo Olympics.

Kaunting metro na lamang ang kailangan ni Obiena para makuha ang bronze-medal level.

Noong 2016 edisyon ng quadrennial meet sa Rio de Janeiro, Brazil, 5.85 metro ang nakuha ni Sam Kendricks ng Amerika para masungkit ang tansong medalya.

Napasakamay naman ni Thiago Braz da Silva ng Brazil ang gintong medalya matapos mairehistro ang record-breaking distance na 6.03 meters habang pumangalawa si Renauld Lavillenie ng France na may 5.98 meters na naitala.

Kasalukuyang nagsasanay si Obiena sa Italy kasama ang beteranong Ukrainian caoch na si Vitaly Petrov.

Sinusubukan ni Obiena na makuha ang 5.90 metro o mas higit pa rito na magbibigay sa kanya ng siguradong medalya sa Tokyo Olympics.

Kaya naman gagamitin nito ang mahabang panahon para makuha ang inaasam na medalya.

Noong nakaraang taon, maningning ang kampanya ni Obiena.

Nakasikwat ito ng gintong medalya sa prestihiyosong 2019 Summer World University Games na ginanap sa Naples, Italy kung saan naitala nito ang 5.76m.

Nakaginto rin si Obiena sa Asian Championships sa Doha, Qatar tangan ang 5.71m kasunod ang pagkopo ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Capas, Tarlac.

vuukle comment

ERNEST JOHN OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with