One Pocket crown natumbok ni Bustamante
Francisco Bustamante

One Pocket crown natumbok ni Bustamante

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang dominasyon ng Pinoy cue masters sa US circuit matapos pagharian ni legendary cue artist Francisco Bustamante ang 2020 Scotty Townsend Memorial One Pocket Championships na gina­nap sa West Monroe sa Los Angeles, California.

Matikas na pinatumba ng dating World 9-Ball champion na si Bustamante si Justin Hall ng Amerika sa finals para hablutin ng Pinoy champion ang kanyang unang korona sa taong ito.

Nakamit ni Bustamante ang tumataginting na $10,000 cash prize habang nagkasya lamang sa $6,000 konsolasyon si Hall.

Pumangatlo si dating world champion Dennis Orcollo para sa $3,000 premyo kasunod sa ikaapat si Jeremy Jones na umani naman ng $2,000.

Una nang nagkampeon si Orcollo sa 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Championships.

Magandang panalo ito para kay Bustamante na nagkasya lamang sa dalawang third-place finishes - sa 2020 Derby City Classic Bigfoot Challenge at 6th Texas Open 10-Ball Championship na parehong ginanap noong nakaraang buwan.

Dahil sa kanyang napanalunan, umangat na sa ikalimang puwesto si Bustamante sa AZ Billiards Money Ranking tangan ang kabuuang $19,640 na nakolekta nito sa season na ito.

FRANCISCO BUSTAMANTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with