Basilan Steel
https://www.facebook.com/officialmpbl
Basilan vs Davao sa MPBL South Finals
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2020 - 12:00am

DAVAO, Philippines — Umarangkada si Allyn Bulanadi ng 35 puntos upang iangat ang Basilan Steel sa 84-76 panalo kontra sa Bacoor Strikers at itakas ang huling Finals berth ng Southern Division sa do-or-die semifinal match sa 2019-2020 MPBL-Chooks-to-Go Lakan Cup semifinal round sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Tabla pa ang laban sa Game 3 ng best-of-three semis series, 71-71, ngunit kumonekta si Bulanadi ng triples mahigit 1:26 na lamang ang natitira para tapusin ang serye, 2-1. Nagwagi rin ang Basilan, 77-63, sa Game 1 bago natalo sa Game 2 (69-80).

Makakaharap ng Basilan  ang Davao Occidental Tigers sa Game 1 ng best-of-three series simula nga­yong araw sa alas-8:30 ng gabi sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.

Ito ang unang Division Finals ng Basilan makaraang tumapos lamang sa 12th spot sa 7-18 win-loss kartada sa nakalipas na Datu Cup.

ALLYN BULANADII
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with