^

PSN Palaro

ONE Championship tuloy!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
ONE Championship tuloy!
ONE Championship
One Championship FB page

Closed-door nga lang...

MANILA, Philippines — Walang makapipigil sa mainit na bakbakan sa ONE: King of the Jungle sa Pebrero 28 sa Singapore Indoor Stadium.

Subalit walang maa­aring makapanood ng laban ng live dahil nagdesisyon ang pamunuan ng ONE Championship na gawin itong closed-door event bunsod ng coronavirus outbreak.

Naglabas ng pinal na desisyon ang mga organizers base sa inilabas ng Ministry of Health ng Singapore na umabot na sa 75 ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus.

Tiniyak naman ni ONE Chairman/CEO Chatri Sityodtong na magkakaroon pa rin ng pagkakataon na makapanood ang mga fans sa pamamagitan ng telebisyon at ilang digital platforms sa mahigit 150 bansa sa mundo.

Ipinaalam din sa mga fans na maaaring i-refund ang mga tiket sa Sportshub Tix ang official ticketing partner ng ONE Championship sa Singapore.

vuukle comment

CHATRI SITYODTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with