SMB-Alab balik sa No. 2

MANILA, Philippines — Bumangon ang San Mi­guel-Alab Pilipinas matapos pataubin ang Saigon Heat, 82-75, para muling uma­ngat sa ikalawang pu­westo sa pagpapatuloy ng 2019-2020 Asean Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Ro­sa, Laguna.

Umabot sa pinakama­laking 23 puntos ang ben­tahe ng Alab Pilipinas, 60-37, sa two-hand dunk ni Jeremiah Gray mula sa pa­sa ni Jason Brickman ma­higit 6:01 pa ang nalalabi sa ikatlong yugto.

Tumipak ang Amerikanong import na si Nick King ng 26 points, 12 rebounds, 5 assists at 4 steals para bumawi sa ka­nilang naunang 63-91 pag­katalo sa Kuala Lumpur Dragons noong Pebrero 4 sa te­ri­t­or­yo ng kalaban.

Nagdagdag ng 15 points, 7 rebounds, 1 steal at 1 block ang 7-foot-5 Maltese import na si Sam Deguara at may 13 points, 6 rebounds, 1 assist at 1 steal mula kay Gray para mu­ling ibalik ang Pinoy squad sa ikalawang puwesto sa 9-5 kartada sa likuran ng solo leader Thailand Mono Vampire na tangan ang 10-4 slate.

Show comments