Sharks pinapak ang Capitals; Strikers umiskor sa Shoemasters

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Cebu Sharks kontra sa Quezon City Capitals, 95-89, pa­ra manatiling buhay ang asam na playoff slot, habang pinagtibay ng Bacoor Strikers ang hawak sa ikalawang puwesto matapos ilampaso ang Marikina Shoe­masters, 100-88, sa Chooks-to-Go-Ma­harlika Pilipinas Basketball League (MPBL) La­kan Cup sa AUF Gym sa Angeles City.

Kaagad humataw ang Sharks sa unang yugto 25-17, at hindi na binitiwan pa ang bentahe patungo sa pagsungkit sa ika-11 pa­­nalo sa 23 laro at ma­natili sa pang-siyam na puwesto dalawang panalo ang agwat mula sa 8th spot na Ba­tangas City Athle­tics (13-10) sa Southern Division.

Umabot sa 19 puntos ang kalamangan ng Cebu, 39-20, sa kalagitnaan ng ika­lawang yugto mula kina William Bill Mcaloney Jr. at Criss Galvez para ihulog ang Capitals sa 11th spot sa 10-16 marka sa Nor­thern Division.

Lalo namang pinata­tag Strikers ang kapit sa ika­lawang puwesto sa ka­nilang 20-5 sa likuran ng nangungunang Davao Occidental Tigers (20-3) sa South group.

Ang Marikina Shoemasters ay nahulog sa ila­lim ng standings kasama ang Rizal Coolers sa pareho nilang 4-19 kartada.

Sa iba pang laro, nako­po ng GenSan Warriors ang pang-16 panalo sa 24 la­ro matapos ang 76-69 pa­nalo laban sa Pasay Voyagers.

Ang Warriors ay komportable sa ikatlong puwes­to sa South group.

Show comments