Clarkson muling maglalaro para sa Gilas Pilipinas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sabik na si NBA star Jor­dan Clarkson ng Utah Jazz na muling makapagsu­ot ng Gilas Pilipinas jersey sa mga susunod na interna­tio­nal tournaments na lalahukan ng koponan.

Hindi ito ang unang pag­kakataon na maglalaro si Clarkson bitbit ang bandila ng Pilipinas sa kanyang dibdib.

Una siyang nasilayan sa aksyon noong 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Matapos makakuha ng clearance sa NBA at sa kanyang dating mother team na Cleveland Cavaliers, agad siyang tumulak sa Indonesia para maging bahagi ng pambansang delegasyon sa quadrennial meet.

Sa katunayan, nagsil­bi pa siyang flag bearer ng Pi­lipinas sa opening cere­mony ng Asian Games.

Umabot sa quarterfinals ang Gilas Pilipinas ma­tapos magtala ng 1-1 re­kord sa Group D ngunit bi­go ang tropa na umabante sa semis nang yumu­kod sa South Korea sa quarters sa iskor na 82-91.

Gayunpaman, nakuha ng Pilipinas ang fifth place nang pataubin ang Japan (113-80) at Syria (109-55) sa classification round.

Hindi naman nakapag­laro si Clarkson sa 2019 FIBA World Cup sa China dahil itinuturing siyang naturalized player ayon sa FIBA rules.

Nakasama ng Gilas Pi­lipinas si Andray Blatche bilang naturalized player ng koponan.

“I played in the Asian Games. I missed the World Cup. Sometime in the future I’m coming back there,” ani Clarkson sa panayam ng Philboxing.com.

Nagpasalamat naman si Clarkson sa patuloy na pag­suporta sa kanya ng mga Pinoy fans partikular na sa kanyang paglalaro sa NBA.

ANDRAY BLATCHE GILAS PI­LIPINAS JOR­DAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with