Porter o Garcia?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2019 - 12:00am

Ikakasa kay Pacquiao

MANILA, Philippines — Nangungunang kandidato sina Shawn Porter at Danny Garcia sa may pinakamalakas na tsansang makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa 2020.

Ito ang inihayag ni MP Promotions chief Sean Gibbons sa oras na ipagtanggol ni Pacquiao ng kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Ang pahayag ni Gibbons ay base sa ginagawang pag-aaral ng Team Pacquiao kung sino ang pipiliin ng grupo na makalaban ng fighting Senator.

“Right now, going into 2020, it’s not hard to do the math. There’s Shawn Porter, Danny Garcia, if he’s successful in his fight, and Errol Spence is a wild card, coming off what he did,” ani Gibbons sa panayam ng Fight Hype.

Inaasahang maglalabas ng opisyal na statement ang kampo ni Pacquiao anumang araw sa Enero dahil Abril ang target na petsa ng susunod na laban ng Pinoy champion.

“So, right now, over the next few weeks, we’re definitely starting to figure out who the fight is, if it’s going to be in April, it could be right in that first quarter,” ani Gibbons.

Ayon pa sa promoter, kailangang maikasa na ang susunod na laban ni Pacquiao para masimulan na ang promosyon nito.

“It’s complicated…but all those guys are on the table and I hope within the next month that the Senator is able to lock down, get his fight, start promoting it, and be prepared for anything that could happen,” ani Gibbons.

Hindi nawawala sa listahan si undefeated Floyd Mayweather Jr. sakaling umeksena ito sa senaryo.

Ngunit walang balak maghintay ang Team Pacquiao sa magiging sagot ni Mayweather kung kakasa ito sa rematch.

Mas maigi ani Gibbons na kay Mayweather mismo manggaling kung gusto nitong muling makalaban si Pacquiao.

DANNY GARCIA MANNY PACQUIAO SEAN GIBBONS SHAWN PORTER
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with