Bring it on!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2019 - 12:00am

Garcia kay Pacquiao

MANILA, Philippines — Gigil din si World Boxing Council (WBC) silver welterweight champion Danny Garcia na makaharap si eight-division world champion Manny Pacquiao sa su­sunod na taon.

Nakahilera na ang pangalan ng mga kandidato para sa pagdepensa ni Pacquiao ng kaniyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

At isa si Garcia sa pangunahing kandidato.

“I know it’s the second quarter. They’re saying they want to fight me. Manny keeps saying it. So when are you going to send over the contract? But when it comes down to it, he keeps pushing it back and wants to fight in the summertime now,” wika ni Garcia.

Mataas ang tingin ni Garcia kay Pacquiao na itinutu­ring nitong legend sa mundo ng boksing.

Sa katunayan, hanga ito sa abilidad ni Pacquiao partikular na sa huling laban nito kung saan lumutang aniya ang tikas ng Pinoy champion laban kay Keith Thurman.

Umaasa si Garcia na parehong intensidad ang ma­kita kay Pacquiao sakaling matuloy ang kanilang pag­haharap upang mabigyan ng magandang laban ang mga manonood.

“He’s a legend. I think he gave it everything he had. I really think it’s one of those fights where he thought, ‘this might be my last fight, so I got to give it everything I have’. I don’t know if he can have that same intensity the next time around because he gave so much, but we’ll see,” ani Garcia.

Ngunit bago ituon ang atensyon kay Pacquiao, na­katakda munang hara­pin ni Garcia si Ivan Redkach ng Ukraine sa Enero 25, 2020 sa Barclays Center sa New York City.

“My mind is built for whatever. I’m already mentally set for that. You know, we’re just taking it one day at a time. Right now we’re just worried about January 25th,” ani Garcia.

Aminado si Garcia na isang tune-up game ang pagsagupa nito kay Redkach bilang paghahanda sa posibleng pagharap sa pi­nakamalaking laban sa kanyang boxing career - kon­tra kay Pacquiao.

“Pacman said April. He said Danny Garcia or Mi­key Garcia, but I can’t worry about that right now. I have to stay focused on this fight right here,” pagtatapos ni Garcia.

DANNY GARCIA MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with