Naggigirian sina Clippers forward Paul George at Timberwolves forward Robert Covington sa aksyong ito.
Clippers umeskapo sa Timberwolves
(Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MINNEAPOLIS -- Nagpasabog si Paul George ng 46 points habang may 42 markers si Kawhi Leonard para banderahan ang Los Angeles Clippers sa 124-117 paggupo sa Minnesota Timberwolves.

 Ito ang ikaapat na sunod na pananalasa ng Clippers.

 Ang nasabing produksyon nina George at Leonard ang pinakamalaking scoring output ng isang tambalan ngayong season.

 Noong Disyembre 1 ay nagtumpok sina Leonard at George ng pinagsamang 65 points sa panalo ng Los Angeles laban sa Washington Wizards.

 Humakot naman si Karl-Anthony Towns ng 39 points at 12 rebounds sa panig ng Minnesota, nalasap ang pang-pitong sunod na kamalasan.

 Sa Miami, umiskor si Anthony Davis ng 33 points  habang may 28 markers si LeBron James para pamunuan ang 113-110 panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Heat.

Tumapos si James na may 12 assists at 9 rebounds at nagsumite si Davis ng 10 rebounds para sa 23-3 record ng Lakers.

Ipinalasap din ng Los Angeles ang unang home loss ng Miami ngayong season matapos ang 11-0 start.

Pinamunuan ni Jimmy Butler ang Heat mula sa kanyang 23 points  habang may 17, 16, 15 at 12 markers sina Derrick Jones Jr., Kendrick Nunn, Kelly Olynyk at Bam Adebayo, ayon sa pagkakasunod.

Sa Atlanta, nagtala si Malcolm Brogdon ng 19 points at 12 assists at humataw si Domantas Sabonis ng 12 points at 14 rebounds para akayin ang Indiana Pacers sa 110-100 pagdaig sa Hawks.

Nag-ambag si T.J. Warren ng 18 points para sa Pacers, ang limang starters ay tumapos sa double figures.

ANTHONY DAVIS CLIPPERS PAUL GEORGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with