^

PSN Palaro

Philippine team hari ng basketball sa SEAG

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Philippine team hari ng basketball sa SEAG
Nag-pose ang Gilas men’s team at Gilas women’s team makaraang magwagi ng ginto sa basketball event ng 30th SEAG kasama si Sen. Bong Go at iba pang opisyal ng Philippine sports.
Kj Rosales

Ika-18 titulo sinikwat

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Gilas Pilipinas men’s team ang ika-13 sunod na titulo at pang-18 overall simula pa noong 1977  Southeast Asian Games.

Sa mahigit 20 edisyon ng basketball event ng SEA Games, dalawang beses lamang nabigong mag-kampeon ang Team Philippines, ang una ay noong 1979 kung saan natalo sila sa Malaysia ng idinaos ang biennial games sa Jakarta, Indonesia.

Ang ikalawang talo ng Pilipinas sa SEA Games ay sa mga kamay pa rin ng Malaysia noong 1989 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia kaya mula noon 13 beses na rin nilang hina­wakan ang korona.

Simula ng lumahok  ang Pilipinas sa SEA Games noong 1977, dinomina nito ang basketball event sa kabuuang 18 gintong medalya at dalawang silver medals, pumangalawa ang Malaysia sa kanilang 2 gold, 6 silver at 5 bronze.

Ikatlo naman ang Thailand sa men’s basketball sa kanilang 8 silver at 8 bronze habang ang Indo­nesia ay mayroon ng apat na silvers at tatlong bronzes.

Ang Singapore naman ay nakakuha lamang ng tatlong bronzes sa SEA Games sa kasaysayan at isang beses pa lamang ang Vietnam na umakyat sa podium pagkaraang magwagi kontra sa Indonesia upang itakas ang bronze medal sa 2019 edisyon.

Kahit si head coach Tim Cone ay naka-kolekta na ng 21 titulo sa PBA kabilang na ang dalawang Grand Slams, ang SEA Games gold medal ng national team sa 30th edisyon ang maituturing niyang pinaka-special dahil ito pa lamang ang kanyang unang gintong medalya sa international competitions.

“I’ve won a few championships in the PBA, but this is on top,” pahayag ni coach Cone.

Ang ibang medalya ni coach Cone sa international competitions ay sa 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand kung  saan tumapos ang Centennial Team sa bronze medal.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with