Philippine chess teams sisindakin ang Vietnam sa 2019 SEA Games

MANILA,Philippines — Ang bigating Vietnam ang inaasahang makaka­a­gawan ng Philippine natio­nal team sa gold medal sa pagbabalik ng chess event sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Ito ang unang pagkaka­taon na muling lalaruin ang chess matapos mawala sa nakaraang dalawang edisyon ng biennial event.

Isusulong ang chess competitions ng 2019 SEA Games sa Disyembre 1- 8 sa Subic Convention Center.

Sa huling pagdaraos ng bansa sa SEA Games no­ong 2005 ay winalis ng Vietn­am ang inilatag na anim na gold medals.

“It will be tough, but we’ll make the best effort out there, na maganda ang pre­­paration at psycholo­gi­cally prepared,” sabi ni national head coach at Grand Master Eugene Torre.

Sasabak sina Interna­tional Master Daniel Qui­zon, IM David Elorta sa blitz event, habang lalaban sina IM Paulo Bersamina at FIDE Master Jan Emma­nuel Garcia sa rapid event.

Inaasahang makakatulong ang pagsulong ng mga Pinoy sa rapid at blitz com­petitions para sa isang podium finish.

“So far so good. We’re doing well in our mental and physical preparations,” wika naman ni Women’s Interna­tional Master Catherine Se­copito, ang team captain ng national women’s squad para sa 2019 SEA Games.

Makakatuwang ng 34-anyos na si Secopito si Sha­nia Mendoza sa ra­pid events.

Miyembro si Secopito ng mga national teams na sumabak sa SEA Games no­ong 2005, 2011 at 2013, ang huling pagkakataon na isinama ang chess sa biennial meet na idinaos sa Nay Pyi Taw, Myanmar.

 

Show comments