Alaska gugulatin ang Meralco

Sinabi ni coach Jeffrey Cariaso na kung muling mai­papakita ng kanyang mga Aces ang kanilang ba­ngis sa 106-90 paggupo sa No. 1 NLEX Road Warriors noong Miyerkules ay ma­laki ang tsansa nilang ta­lunin ang Bolts para sa isang ‘do-or-die’ game.
The STAR/Joey Mendoza

MANILA, Philippines — May hawak na ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 2 Meralco laban sa No. 7 Alaska sa kanilang quarterfinals match bukas sa 2019 PBA Governor’s Cup.

Sinabi ni coach Jeffrey Cariaso na kung muling mai­papakita ng kanyang mga Aces ang kanilang ba­ngis sa 106-90 paggupo sa No. 1 NLEX Road Warriors noong Miyerkules ay ma­laki ang tsansa nilang ta­lunin ang Bolts para sa isang ‘do-or-die’ game.

“Our level of play will need to be a little bit higher for us to do something spe­cial in the quarters but, again, it’s how we prepare and how we’re ready for the game,” wika ni Cariaso.

May hawak na ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1, 2, 3 at 4 teams laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals ng season-ending conference.

“We know we have a big feat against the No. 2 team,” sabi ni Cariaso sa Me­ralco ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black. “We have to be ready because who­ever we play is going to be deserving of the No. 2 spot.”

Para makapasok sa quarterfinals ay bumangon ang koponan ni Cariaso mula sa 0-5 panimula para ipanalo ang lima sa huli ni­lang anim na laro sa eli­mination round.

“The way we’re practi­cing, the way we’re enga­ged, the way we were fo­cused, it was as if it was play­off time for us,” ani Cariaso.

Show comments