^

PSN Palaro

Carter: Pinoy judokas kaya ang 4 hanggang 5 ginto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isama na ang judo sa mga puwedeng kuhanan ng Pilipinas ng mga gold medals sa darating na 30th Southeast Asian Games na magbubukas sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kumpiyansa si Philippine Judo Federation president Dave Carter na makakakuha ang mga national judokas ng apat hanggang limang gintong medalya.

Ito ay dahil sa per­pek­tong kondisyon ni Kiyomi Watanabe at mga miyembro ng national team.

“The national judo team is ready – not just for the SEA Games, but also for the Olympics,” wika ni Car­ter na pinasalamatan din ang pagsuporta sa kanila ng Philippine Sports Commission.

Inangkin ng 23-anyos na si Watanabe ang gold medal sa women’s-63kg class sa mga nakaraang SEAG editions sa Naypyi­taw, Singapore at Kuala Lumpur.

Sa pag-upo sa No. 23 sa worldranking ay posible pa siyang makakuha ng tiket para sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Bukod kay Watanabe, aasahan din ni Carter na manalo ng gintong medalya sina Mariya Takahashi, Heisi Nakano, Shugen Nakano, Shin Matsumura at Riyoko Salinas.

Sa Naypyitaw at Singapore SEA Games ay t­anging si Watanabe lamang ang nakapag-uwi ng gold medal bago siya sinamahan ni Takahashi noong Kuala Lumpur edition.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with