_ngayon
^

PSN Palaro

Floyd, si Jack Ma ang harapin mo sa exhibition--Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Floyd, si Jack Ma ang harapin mo sa exhibition--Pacquiao

MANILA,Philippines — Sa pagkakataong ito, si Manny Pacquiao naman ang naghamon ng rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Kasabay nito ang pa­saring sa exhibition match na tila nakakahiligan na ni Mayweather.

Sa inilabas na Instagram post ni Pacquiao, sinabi ng Pinoy champion na siya ang harapin ni Mayweather kung totoong laban ang gusto nito.

Pero kung exhibition game lang naman ang hanap nito, ihaharap ni Pacquiao si Chinese billionaire Jack Ma kay Mayweather.

“Floyd Mayweather if you want a real fight, fight me. If you want an exhibition, my guy, my friend Jack Ma will take care of you. They real  Manny team,” ani Pacquiao.

Sa video, makikitang sinasanay ni Pacquiao ang Chinese businessman sa mitts.

“Yeah, I’m ready anytime, anyplace. Manny team is ready,” sagot naman ni Ma na co-founder ng Alibaba.

Mahigit 600,000 views na ang naturang post ni Pacquiao sa Instagram.

Wala pang sagot si Mayweather.

Nananatili itong retirado.

Sumalang lang sa ilang exhibition si Mayweather kabilang ang kanyang pagharap laban kay Japanese mixed martial artist Tenshin Nasukawa noong nakaraang taon.

Subalit gumugulong na ang negosasyon sa pagitan ng kampo ni Pacquiao at Mayweather para sa isang rematch na posibleng ma­tuloy sa susunod na taon.

Mismong si Pacquiao ang nagkumpirma na niluluto na ang Pacquiao-Mayweather 2.

Nagtuos sina Pacquiao at Mayweather noong 2015 na nauwi sa unanimous decision win pabor kay Floyd.

JACK MA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with