^

PSN Palaro

Biyaheng finals sa San Beda

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Biyaheng finals sa San Beda
Sinupalpal ni Donald Tankoua ng SBU si Reymar Caduyac ng Lyceum.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Winalis ng three-peat champion San Beda Red Lions ang double-round elimination matapos mu­ling padapain ang Lyceum Pirates, 85-62 kahapon at ipursige ang stepladder format sa playoff round ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena ng San Juan City.

Sa lay-up ni Donald Tankoua umabot pa sa pinakamalaking 24 puntos ang bentahe ng Red Lions, 84-60 mahigit 1:39 na lang ang natitira upang manati­ling walang talo sa 18 laro at dumiretso sa best-of-three Finals sa pamamagitan ng stepladder format sa susunod na round.

Makaraang masungkit ang unang Finals berth, maghihintay na lamang ng makakalaban ang San Beda habang maghaharap muna ang third seed Letran kontra sa fourth seed at ang magwawagi ay lalaban sa second seed Lyceum sa huling playoff match. Ang mananalo sa huling playoff match ay papasok sa Finals kontra sa Red Lions.

“Our job is not yet done. Yes, we made it to the Finals, but we may face LPU or Letran or Baste or even Mapua there,” sabi ni SBU coach Boyet Fernandez.

Ang fourth seeded team ay malalaman pa ngayong araw sa labanan ng San Sebastian Stags (10-7) at Perpetual Help Altas sa alas-12 ng tanghali at ng Mapua Cardinals (9-8) laban sa St. Benilde Blazers sa alas-2 ng hapon.

Kung magwawagi ang Stags tuluyan na ring masusungkit nila ang huling semis berth, ngunit kung mabibigo at mananalo ang Cardinals sa Blazers magtatabla ang SSC-R at Mapua sa parehong 10-8 win-loss kartada kung saan pag-aagawan nila ang hu-ling semis slot sa playoff ngayong Martes.

Muli namang nilampaso ng Letran Knights ang Emilio Aguinaldo Generals, 87-79 upang tapusin ang elimination round bilang third seed sa 12-6 slate.

Sa juniors’ division, tinambakan ng top seed San Beda Red Cubs ang Lyceum Junior Pirates, 111-82.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with