San Juan, Caloocan nagsipanalo

MANILA, Philippines — Nagtagumpay ang San Juan Knights kontra sa Valenzuela Classics, 78-68 habang nagwagi rin ang Caloocan Supremos laban sa Manila Stars, 72-65 sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup noong Martes ng gabi sa Caloocan City Sports Complex.

Umani si John Wilson ng 20 puntos kabilang na ang apat na triples, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang steals para manatili ang Datu Cup champion San Juan sa solo top spot sa 16-2 win-loss kartada sa Northern Division.

Ang Valenzuela Classics ay nalaglag sa sosyohan sa 11th puwesto kasama ang Parañaque Patriots sa parehong 7-12 win-loss kartada sa N­orthern group.

Sa ibang laro, sumandal naman ang Caloocan kay Rene Pacquiao sa kanyang siyam na puntos mula sa 15-0 run sa hu­ling 3:56 ng laro upang masungkit ng Supremos ang ika-11th panalo sa 19 laro at ihulog ang Manila sa sosyohan sa ikalawang puwesto kasama ang Makati Super Crunch sa parehong 13-3 record. 

Show comments