Solo 2nd puntirya ng NLEX
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Puntirya ng NLEX ang kanilang ikalawang sunod na ratsada para masolo ang ikalawang puwesto habang mag-uunahan namang makabangon mula sa kanilang mga kabiguan ang nagdedepensang Magnolia at Blackwater.

Lalabanan ng Road Warriors ang Columbian Dyip ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang pagkikita ng Hotshots at Elite sa alas-7 ng gabi sa  2019 PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Hangad ng NLEX (4-1) na tumapos sa Top Four na mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round.

At para magawa ito ay tinapik ni head coach Yeng Guiao si import Manny Harris para saluhin ang trabaho ni original import Olu Ashaolu.

“We’re just hoping that we are able to defend their guards and import enough to minimize their efficiency,” wika ni Guiao kay Harris na dumating sa bansa noong Sabado at nakapaglaro sa NBA para sa Cleveland Cavaliers, Los Angeles La­kers at Dallas Mavericks.

Ang 30-anyos na si Harris ay kumampanya na sa Ukraine, Greece, China at Turkey.

Umaasa si Columbian mentor Johnedel Cardel na magiging bentahe nila ang pangangapa ni Harris sa istilo ng laro sa PBA.

“Siyempre, bago at hindi pa sanay dito sa PBA style of play kaya puwedeng maging disadvantage sa kanila iyon,” wika ni Cardel.

BLACKWATER MAGNOLIA NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with