Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Petron at Cignal na parehong naghahangad na mapanatiling malinis ang kanilang rekord.
File
Cignal, Petron laglagan sa No. 1
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Petron at Cignal ang unang puwesto sa Pool C sa pagpapatuloy ng 2019 Philippine Superliga Invitational Conference ngayong hapon sa Caloocan Sports Complex.

Aalagwa ang salpukan ng HD Spikers at Blaze Spikers sa alas-2 na susundan ng engkuwentro ng F2 Logistics at Generika-Ayala sa alas-4 at ng Marinerang Pilipina at PLDT Home Fibr sa alas-6 ng gabi.

Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Petron at Cignal na parehong naghahangad na mapanatiling malinis ang kanilang rekord.

Nakasakay ang HD Spikers sa imakuladang 5-0 marka habang may 4-0 naman ang Blaze Spikers para makuha ang unang dalawang tiket sa Final Four.

Galing ang Cignal sa 25-22, 25-19, 25-20 demolisyon sa PLDT kung saan bumida sina national team members Mylene Paat at Jovelyn Gonzaga gayundin sina team captain Rachel Anne Daquis at Filipino-American playmaker Alohi Robins-Hardy.

“I always remind my players to learn a thing or two in our past games. But I still always remind them that the present is more important,” ani Cignal coach Edgar Barroga.

Matayog din ang lipad ng Petron na inilampaso naman ang Marinerang Pilipina sa pamamagitan ng 25-22, 25-22, 25-8 desisyon sa kanilang huling laro.

Itatapat ng Blaze Spi­kers sina national mainstay Ces Molina at Rhea Dimaculangan katuwang sina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma, Chloe Cortez at libero Denden Lazaro.

Magugunitang Cignal ang nagpatalsik sa Petron sa semifinals ng All-Filipino Conference.  

CIGNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with