"Ang pagkuha ng mga non-Filipino at banyagang import recruits ay hindi nakatutulong sa development ng anumang sport sa bansa," ani Romero sa kanyang resolusyon sa Inggles.
File
Banyagang players gustong ipagbawal ng mambabatas sa UAAP, NCAA
James Relativo (Philstar.com) - September 30, 2019 - 4:31pm

MANILA, Philippines — Inudyok ng isang kinatawan ng party-list ang naaayong komite ng Kamara na tuluyang ipagbawal ang pagkuha ng mga banyagang atleta sa mga collegiate leagues.

Sa kanyang House Resolution 388, sinabi ni 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero na malaking problema na ng bansa sa paghubog ng mga lokal na atleta at nakalalala lang ito.

"Ang pagkuha ng mga non-Filipino at banyagang import recruits ay hindi nakatutulong sa development ng anumang sport sa bansa," ani Romero sa kanyang resolusyon sa Inggles.

"[A]ng totoo, counter-productive ito at nababansot ang paglago at paghusay ng mga lokal na atleta."

Aniya, naging ugali na raw kasi ng ilang kolehiyo at unibersidad sa bansa na kumuha ng mga banyaga upang "makalamang" sa mga katunggaling eskwelahan.'

Sa sobrang pagtutok daw ng mga pamantasan na makakuha ng kampeonato, sinabi niyang "hindi na sila kumukuha ng mga players locally at nagtutungo na lang sa mga bansa mula Africa at Amerika para makakuha ng imported na manlalaro."

"Inihain ko ang HR 388 bilang panawagan sa lahat ng eskwelahan na pahusayin ang mga lokal na manlalaro. Sobra-sobra na ang balakid na kinakaharap ng atletang Pinoy, 'wag na nating palalain sa pagharang sa kanilang pangarap, lalo na sa mahihirap," dagdag ni Romero sa isang tweet.

Tinawag ding "flip-flopping," o papalit-palit, ni Romero ang tindig ng University Athletic Association of the Philippines at National Collegiate Athletic Association pagdating sa isyu.

Ang UAAP at NCAA na parehong pribadong organisasyon ang mga mayor na ligang pang-kolehiyo sa bansa at mga.

Ban sa college pero imports 'okay' sa Gilas?

Sa kabila ng "patriyotikong" tono, una nang iminungkahi ni Romero na dapat magkaroon ng pool ng naturalized players ang Gilas Pilipinas — ang Philippine basketball team — para magtagumpay sa international competitions.

"For me, kailangan mag-recruit tayo ng at least lima.  A pool of five and then i-rotate kung ano ‘yung kailangan natin," ani Romero sa ulat ng Pang-Masa noong nakaraang linggo.

Isa rin siya sa may akda ng panukalang gawing naturalized Filipino si Justin Brownlee noong 2018.

1-PACMAN FOREIGN IMPORTS MIKEE ROMERO NCAA SPORTS UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with