Gilas naturalized players pool kailangan--Romero
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangan ng Pilipinas na magkaroon ng pool ng naturalized players upang maging matagumpay sa mga susunod na international competitions, ayon kay House of Representatives Deputy Speaker Mikee Romero na bisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kamakalawa sa Amelie Hotel sa Maynila.

Sa paraang ito, masosolusyonan ng Gilas Pilipinas ang mga kailangan nitong player sa anumang torneo tulad ng Southeast Asian Games, FIBA Asia Championship, Asian Games, FIBA World Cup Qualifiers at FIBA World Cup dahil sa maraming pagpipilian na reinforcements ayon kay Romero.

“For me, kailangan mag-recruit tayo ng at least lima.  A pool of five and then i-rotate kung ano ‘yung kailangan natin,” ani 1-Pacman partylist representative Romeo na may-ari ng Northport team sa PBA at dati ring PBA Chairman ng makapangyarihang PBA Board.

Sa ngayon kasi, tanging si Andray Blatche lang ang nakalistang natura-lized player ng Pilipinas simula pa noong 2014 na naging sandalan ng bansa mga international competitions kabilang na ang dalawang magkasunod na FIBA World Cup appearances.

Si Marcus Douthit ang unang naturalized player ng bansa.

Subalit para kay Romero na mi-yembro rin ng Philippine polo team na sasalang sa 30th SEAG dito sa bansa sa Nobyembre, panahon na para magkaroon ng pool ng naturalized players sa iba’t ibang posisyon.

“Halimbawa, kailangan mo mabilis, kailangan mo ng isang Justin Brownlee. Kung kailangan mo naman ng malalaki, eh di ilaban ‘yung malalaki. We really need to be flexible,” dagdag ni Romero sa weekly PSA forum na suportado rin ng PAGCOR, San Miguel Corp., Amelie Hotel at Braska Restaurant.

Si Romero ang naghain ng naturalization bill ni Brownlee sa kongreso noong nakaraang taon at kung maisasakatuparan ang mungkahing ito ay inaasahan ang mga susunod pang naturalization bills ng ibang kandidato.

MIKEE ROMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with