^

PSN Palaro

San Beda, Lyceum muling magkukrus ang landas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasagupain ng solo lea­­der San Beda ang pu­ma­pangalawang Lyceum sa kanilang unang pagta­tagpo simula noong 2018 Fi­nals sa pag­pa­patuloy ng Season 95 NCAA men’s bas­ketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Red Lions at Pirates ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pagtatagpo ng EAC Ge­nerals at Perpetual Help Altas sa alas-2 ng hapon.

Susubukan din ng Letran Knights ang San Se­bas­tian Stags sa alas-12 ng tanghali.

Ttatlong laro na lamang ang nalalabi sa first round at pinatunayan ng ‘three-peat’ champion Red Lions at back-to-back runner-up Pi­rates na sila pa rin ang na­natiling paborito pa­ra sa titulo sa taong ito.

Napanatili ng San Beda ang malinis na 6-0 kartada nang tambakan ang Per­pe­tual Altas, 102-56, no­ong Biyernes at sinunod ang Letran, 70-66.

Pumapangalawa naman ang Intramuros-based LPU sa 6-1 marka.

Ang tanging talo pa lamang ng Pirates ay laban sa EAC Generals, 82-84, no­ong Hulyo 12.

Ngunit matapos ito ay li­mang sunod panalo ang ki­nuha ng Lyceum kasama ang mga biktimang Letran, 84-80, San Sebastian, 80-69 at St. Benilde,74-71.

vuukle comment

BAS­KETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with