GAB, boxing stakeholders nagkasundo na

MANILA, Philippines — Inaasahan ang magandang samahan ng Games and Amusements matapos ang matagumpay na pagdaraos ng consultative meeting kamakailan lamang.

Mahigit 60 boxing promoters ang dumalo sa nasabing diyalogo na ginanap sa GAB head office sa Paseo de Roxas, sa Makati City.

“We (GAB officials) see better days ahead in boxing following our successful dialogues with promoters and managers in Davao recently and Makati last July 31,” sabi ni Boxing and Other Contact Sports officer-in-charge Jackie Lou Cacho sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sinabi ni Cacho na napagkasunduan ng mga promo­ters at ni GAB chairman Abraham Mitra na amiyendahan ang kasalukuyang rules and guidelines na ipapatupad ng government agency para sa professional sports.

Ang iba sa mga pagbabago ay ang required age for a new professional boxer na 18-anyos base sa EO 120 at ipagpaliban ang special work permit (SWP) para sa mga foreign boxers na lalaban dito sa Pilipinas at pagsumite ng kopya sa professional boxers license at authority na lumaban.

Napagkasunduan din ang bagong sistema sa renewal ng boxing license at pagsumite ng kumpletong fight card not sa loob ng 60 araw at hindi bababa sa sampung araw bago ang  nakatakdang laban.

Show comments