Parks, Perez gitgitan sa BPC
Nagposte ang No. 2 overall pick na si Parks ng 37.2 average statistical points para sa Elite matapos ang quarterfinal round para pangunahan ang statistical race.

Parks, Perez gitgitan sa BPC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa impresibong ipinakita para sa kanilang mga koponan ay bumandera sina top rookies Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater at CJ Perez ng Columbian para sa Best Player of the Conference award ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nagposte ang No. 2 overall pick na si Parks ng 37.2 average statistical points para sa Elite matapos ang quarterfinal round para pangunahan ang statistical race.

Sinibak ng Rain or Shine ang Blackwater sa kanilang best-of-three quarterfinals series.

Humataw ang 6-foot-3 na si Parks ng mga ave­rages na 22.1 points, 7.1 rebounds, 3.4 assists, 1.4 steals at 0.5 blocks para sa Blackwater.

Nakasosyo naman ng No. 1 overall selection na si Perez si TNT Katropa ve­teran guard Jayson Castro sa second place sa magkatulad nilang 35.1 SPs kasunod si five-time PBA MVP June Mar Fajardo (33.8 SPs) ng San Miguel.

Hawak ni RR Pogoy ng Tropang Texters ang fifth place sa kanyang 33.2 SPs sa itaas ni NorthPort Batang Pier rookie guard Robert Bolick na may 32.46 SPs.

Samantala, posibleng hindi na mapasama si San Miguel shooter Marcio Lassiter sa Final 12 ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup.

Ito ay dahil sa kanyang natamong Grade 2 MCL sprain sa quarterfinals match ng Beermen at Batang Pier.

Anim na linggo ang dapat ipahinga ni Lassiter sa kanyang injury ayon sa San Miguel.

Kasalukuyan namang naglalaban ang San Miguel at Rain or Shine sa Game One ng kanilang semifinals series habang isinusulat ito.

Target ng TNT Katropa ang 2-0 abante sa pagsagupa sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa Game Two ngayong alas-6:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP BOBBY RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with