Humakot si import Delroy James ng 34 points, 6 assists, 5 rebounds, 4 steals at 2 blocks para tulungan ang Meralco sa 95-91 pagpapatumba sa San Miguel at ma­kuha ang playoff sa huling tiket sa quarterfinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.
Jun Mendoza
Bolts itinakda ang playoff sa Aces sa No. 8 seat
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakamit ng Bolts ang kanilang hinahangad na ma­halagang panalo.

Humakot si import Delroy James ng 34 points, 6 assists, 5 rebounds, 4 steals at 2 blocks para tulungan ang Meralco sa 95-91 pagpapatumba sa San Miguel at ma­kuha ang playoff sa huling tiket sa quarterfinal round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nagtapos sa magkakatulad na 4-7 marka ang Alas­ka, Meralco at Phoenix.

Ngunit dahil may mas mababang 0.977 quotient ang Fuel Masters ay ang Aces (1.012) at Bolts (1.011) ang maglalaban para sa No. 8 seat sa quarterfinals.

“We just lived for another day, we’ll fight Alaska,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black. “I know it’s gonna be a tough game for us but we still have a chance.”

Winakasan ng Bolts, nakahugot kay Chris Newsome ng 20 points kasunod ang 15 at 10 markers nina Raymond Almazan at Brian Faundo, ayon sa pagkakasunod, ang kanilang limang sunod na kamalasan.

Nahinto naman sa tatlo ang ratsada ng Beermen at posibleng malaglag sa No. 7 spot.

Sa quarterfinals ay magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ ad­vantage ang No. 1 at No. 2 teams laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Ang dalawang drive ni James ang nagbigay sa Me­ralco ng 95-91 abante sa huling 32.3 segundo ng fourth quarter ma­­­tapos itabla ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo ang San Miguel sa 91-91.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP MERALCO SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with