Lalabanan ng rumaragasang Tropang Texters ang Mag­nolia Hotshots, ipaparada si Rakeem Christmas, nga­­yong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Bolts at San Miguel Beermen sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.
Jun Mendoza
Krusyal na laro sa PBA
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. San Miguel vs Meralco

7 p.m. Magnolia vs TNT Katropa

MANILA, Philippines — Habang pakay ng TNT Katropa ang No. 1 berth ay hangad naman ng Meralco ang makahirit ng playoff para sa No. 8 seat sa quarterfinal round.

Lalabanan ng rumaragasang Tropang Texters ang Mag­nolia Hotshots, ipaparada si Rakeem Christmas, nga­­yong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Bolts at San Miguel Beermen sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Co­liseum.

Sa quarterfinals, ang No. 1 at No. 2 teams ang mag­ka­karoon ng twice-to-beat’ advantage sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, habang magkikita sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at No. 4 kontra sa No. 5.

Makukuha ng TNT Katropa ang No. 1 spot kung ma­­na­nalo sa Magnolia at ang kabiguan ang mag­huhulog sa kanila sa No. 2 kahit magtabla sa 9-2 ang kartada nila ng NorthPort, tumalo sa kanila, 110-86, noong Mayo 29.

Sa unang laro, target naman ng Meralco ang panalo laban sa San Miguel para maitakda ang kanilang playoff ng Alaska sa No. 8 spot.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with