Gilas youth sadsad sa Russia

MANILA, Philippines — Bagama't nakahugot ng magandang laro mula kay Kai Sotto ay nalasap pa rin ng Gilas Pilipinas youth team ang 64-92 kabiguan sa Russia sa 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion University Sports Hall.

Humakot ang 7-foot-2 na si Sotto ng 14 points, 7 rebounds at 6 blocks para sa ikatlong sunod na kamalasan ng Nationals sa Group C.

Nakatakdang labanan kagabi ng No. 30 Gilas Pilipinas youth squad ang No. 4 Serbia sa knockout phase.

Kumolekta naman si Dave Ildefonso ng 14 points, 6 boards, 5 assists at 2 steals sa tropa ni head coach Sandy Arespacochaga habang may 12 markers si Carl Tamayo.  

Show comments