Si Romasanta ang ba­gong POC president kapa­lit ng nagbitiw na si Ricky Var­gas noong Martes.
Magiging mainit ang POC Gen. Assembly
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa unang pagkilos sa tungkulin, nagpatawag si Philippine Olympic Com­mit­tee president Joey Ro­ma­santa ng Extraordinary General Assembly upang talakayin ang mahahalagang bagay kabilang na ang pagbaba­go sa POC lea­­dership sa GSIS Gymna­sium sa Pasay City.

Hinikayat ni Romasan­ta ang lahat na miyembro ng Olympic body na dumalo sa pagtitipon ngayong ala-1 ng hapon para pag-usapan din ang nalalapit na hos­ting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games sa Nob­yembre 30 hanggang sa Disyembre 11.

“In accordance with Ar­­ticle VI of the POC By-Laws, I hereby convene an Ex­­traordinary General Assembly  on June 25, 2019,” ayon kay Romasanta sa ni­lagdaang circular na may petsang Hunyo 18.

Si  Romasanta ang ba­gong POC president kapa­lit ng nagbitiw na si Ricky Var­gas noong Martes.

Kabilang sa mga tata­la­kayin sa General Assembly ay ang  pagbabago sa POC leadership, updates at assessments sa 2019 SEA Games.

Ngunit inaasahan din ang mga paputok sa nasa­bing pagtitipon dahil kinuwestiyon ni POC chairman at Tagaytay Congressman Abraham “Bambol” To­­lentino ang pag-upo ni Ro­masanta base  sa qualifications.

Sinabi ni Tolentino, ang presidente ng cycling asso­ciation, na hindi kuwa­li­pi­ka­do si Romasanta dahil ma­linaw sa POC By-Laws na ang presidente ay kaila­ngang pangulo ng isang na­tional sports asso­ciation at isang Olympic sports.

Si Romasanta ay vice-president ng Larong Volley­ball ng Pilipinas, Inc. na gi­nigiyahan ni Pe­ter Ca­y­­­­co.

JOEY RO­MA­SANTA PHILIPPINE OLYMPIC COM­MIT­TEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with