Russell isasama kina James at Davis sa Lakers

LOS ANGELES - Po­sib­leng magbalik si star point guard D’Angelo Russell sa Lakers.

Hangad ng Los Angeles na muling mahugot si Russell para makatuwang nina superstars LeBron James at Anthony Davis sa kanilang kampanya.

Ang dating No. 2 overall pick ay nakatakdang sumalang sa free agency.

Dalawang taon matapos lumipat sa Brooklyn Nets, si Russell ay isinama sa gagawing pagpapalakas ng Lakers.

Nangyari ang trade sa Brooklyn sa ilalim ni dating general manager Magic Johnson, at sa pagkawala ng nasabing controversial boss sa Los Angeles organi­zation ay bukas si Russell na bumalik sa La­kers.

Ang inaasahang pagkuha ng Nets kay Kyrie Ir­ving ang magpapalakas sa tsansa sa pagbabalik ni Russell sa Hollywood.

Ang 23-anyos na si Russell ay hinahabol din ng Minnesota Timberwolves at Phoenix Suns.

Sa Washington, naka­takdang maging isang un­restricted free agent si Jabari Parker matapos tanggihan ng Wizards ang team option sa dating No. 2 overall pick.

Nakuha ng Washington si Parker sa isang trade sa Chicago Bulls noong Pebrero.

Ngunit hindi nangangahulugan na tuluyan nang maghihiwalay ng landas ang Wizards at si Parker.

Nakatakdang tumanggap si Parker, nagkaroon ng dalawang ACL injuries, ng $20 milyon sa ikalawang taon ng kanyang nilagdaang two-year deal.

Ayon naman kay Chase Hug­hes ng NBC Sports, pa­­yag ang magkabilang pa­­nig na pag-usapan ito.

Nagposte ang 2014 No. 2 draft overall pick na si Parker ng mga avera­ges na 15 points at 7.2 re­­bounds sa kabuuang 25 laro niya para sa Wa­shington.

Pinili kamakailan ng Wizards si Japanese for­ward Rui Hachimura sa 2019 NBA Draft.

Show comments