National taekwondo poomsae tourney sisipa sa June 23
(Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humigit-kumulang sa 1,500 taekwondo performers ang inaasahang lalahok sa 2019 PLDT Home Ultera/MVP Sports Foundation National Poomsae (forms) Championships sa Hunyo 23 sa SM Mall of Asia Music Hall.

Kakatawanin ng mga partisipante ang kanilang mga chapters mula sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Kabilang sa mga ito ay ang Central Gymnasium, Po­werflex, Ateneo, San Sebastian College, UP, San Be­da College, De La Salle Zobel, DLSU, Team Baguio, Pangasinan, Cebu, Bulacan, Nueva Ecija, PNP at Armed Forces of the Philippines.

Nagpahayag na ng intensyong sumali ang National Ca­pital Region, ARMM, CAR at CARAGA sa event kung saan nagpakita ang mga Pinoy ng special skills sa mga international com­petitions kagaya ng katatapos na ASEAN tournament na pinamahalaan at dino­mi­­­na ng bansa.

Inilatag sa event ang individual, pair, team, free style at synchronized poomsae.

Ang torneo ay suporta­do ng SMART Commu­ni­cations,Inc., MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Com­mit­tee at Meralco.

2019 PLDT HOME ULTERA/MVP SPORTS FOUNDATION NATIONAL POOMSAE (FORMS) CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with