Nagpipilit kumawala si Kawhi Leonard ng Raptors sa depensa ni Malcolm Brogdon sa Game 5 ng kanilang NBA Eastern Conference Finals.
Isa na lang! Leonard inakay ang Raptors sa 3-2 lead
(Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE--Alam ni star forward Kawhi Leonard ang kahalagahan ng laro.

Sa kabila ng pananakit ng kanyang mga binti ay humataw pa rin si Leonard ng 35 points para banderahan ang Toronto Raptors sa 105-99 panalo kontra sa Bucks sa Game Five at angkinin ang 3-2 lead sa Eastern Conference Finals.

“This is what I work out for in the summer. I’m just trying to win. It’s a matter of me being aggressive and don’t shy away from anything,” wika ni Leonard,  nagsalpak ng limang three-pointers at nagtala ng 7 rebounds at 9 assists.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na umiskor si Leonard ng 30-point game para sa Toronto sa kanilang best-of-seven series ng Milwaukee.

“I can only say that he’s been really good. He gets stronger as the fourth wears on. He wants the ball and he wants to make the plays and he seems to be making the right plays,” ani coach Nick Nurse kay Leonard.

Nagdagdag naman si Fred VanVleet ng 21 points, tampok dito ang pitong triples habang may 17 markers si Kyle Lowry para sa paglapit ng Raptors sa NBA Finals sa unang pagkakataon.

Ang panalo ng Toronto laban sa Milwaukee sa Game Six sa Sabado ang magtatakda sa kanilang title showdown ng two-time defending champion Golden State Warriors.

Nakabawi ang Raptors mula sa 14-point deficit sa pamamagitan ng 15 points ni Leonard sa fourth quarter para ipalasap sa Bucks ang una nitong three-game lo­sing skid sa season.

Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 24 points para sa Milwaukee, nakahugot ng 20 at 18 markers kina Eric Bledsoe at Malcolm Brogdon, ayon sa pagkakasunod.

KAWHI LEONARD NBA FINALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with