Derek Ramsay
Derek lalaro sa Batangas sa MPBL Lakan Cup
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang madadag­da­gan pa ang mga taga-su­porta ng Rajah Cup champion Batangas City-Tanduay Athletics sa pag­laro ni TV at Movie star Derek Ramsay sa darating na 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup na magbubukas ngayong Hunyo 12 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Ramsay na atleta rin sa larong frisbee at beach football, ay dati ring nag­laro sa Kettle Korn sa nawala nang Philippine Basketball League (PBL).

“Derek is not only a good actor, but a good basketball player as well. We are happy to have him on our team,” sabi ni Batangas City-Tanduay Athletics team manager at Absolut Dis­tillers, Inc. COO Gerry Tee.

Ayon kay Tee na sigu­rado ng maglalaro si Ramsay sa opening game ng  MPBL Season 3 at sa ka­nilang overseas game laban sa Datu Cup champion San Juan Knights sa Dubai sa Setyembre.

“I love the game of bas­ketball. Joining Team Tanduay is an honor. I always considered myself an athlete before an actor. I know there will be haters and people who will doubt me, but that’s okay. This is a challenge that I’ve decided to take on. I hope to help the team in any possible way I can,” pahayag naman ni Ramsay.

Bukod kay Ramsay, ang iba pang celebrities na naglalaro sa MPBL ay sina Gerald Anderson, Xian Lim at Andre Paras.

“Derek will surely add more excitement in our games. With him on board, fans can expect an even stronger Batangas City-Tanduay Athletics team,” dagdag pa ni Tee.

Samantala, bawat koponan ay pinayagan ng kumuha ng dalawang Fil-Foreign players sa kanilang 20-man line-up, ngunit ang mga ito ay hindi lalampas sa 6’4 ang tangkad at hindi rin puwedeng ipasok na sabay. Sa 20-man roster ay 15 lamang din ang puwe­ding gagamitin bawat laro.

2019 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) LAKAN CUP DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with