Sinasagot ni Chris Gavina, assistant coach ng Rain or Shine ang tanong ng media sa TOPS Usapang Sports. Nasa lara­wan din ang players na sina (mula kaliwa rookie Jayvee Mocon, Beau Belga at James Yap.
SMB, Ginebra tinik sa landas ng Rain or Shine
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng Rain or Shine Paint Masters na makapasok sa championship series ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ngunit inaasahan ng Elasto Painters na magiging balakid sa kanilang hangarin ang nagdedepensang Ginebra Gin Kings at San Miguel Beermen.

“Of course, San Miguel with their lineup remained the top team to beat, but we’re ready, everybody is ready and knows their role to the team,” wika ni Rain or Shine assistant coach Chris Gavina. 

Nasibak ang Elasto Painters sa kanilang semifinals series ng Magnolia Hotshots sa nakaraang 2019 PBA Philippine Cup.

“We missed to make it to the finals in the last conference, so same pa rin ang aming target which is to make it to the championship and win the title,” dagdag ni Gavina sa TOPS Usapang Sports na hatid ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Pagcor, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink. 

Ang pagkakaroon ng team work ang siya pa ring mag-aakay sa Rain or Shine sa inaasam nilang posisyon sa second confe­rence, ayon kay two-time PBA MVP James Yap.

Isinantabi naman ni Belga ang pagkawala ni Raymund Almazan na na-trade sa off season.

“Time ng ibang players na mag-shine. Kung wala siya okey lang naman sa team dahil meron namang papalit sa puwesto niya. Malaki na siya (Almazan) bahala siya basta kapag nakaharap niya kami mag-ready siya,” pabirong wika ni Beau Belga.

Handa rin si Jayvee Mocon na patunayan na isa siya sa natatanging rookie sa liga sa kanyang pagtatangka na makuha ang PBA Rookie of the Year honor.

“Kahit sino ang manalo, tiyak deserved. Ako, basta kung ano ang maitutulong ko sa team,” ani Mocon.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with