San Juan vs Batangas sa MPBL Dubai games
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghaharap ang Rajah Cup tilist Batangas City Athletics at Datu Cup champion  San Juan Knights sa unang overseas game ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Dubai sa Setyembre 27.

Ito ang kinumpirma ni League commissioner Kenneth Duremdes kahapon.

Pangungunahan ni Duremdes ang MPBL officials na pupunta sa Dubai pagkatapos ng opening ceremonies ngayong Hun­yo 12.

“Pinayagan na kami ni Senator to fly in on June 13  kasi nga yung organizer, siya rin yung organizer ng concert ni Arnel Pineda,” sabi ni Duremdes.

Pinili ng organizer sa Dubai ang Batangas Athletics at San Juan Knights para sa katiyakang magandang laban na tatawaging  “Battle of the Champions” sa harap ng mga Pinoy fans sa  United Arab Emi­rates.

Pagkatapos ng laro sa Dubai, susunod naman ang isa pang overseas game na gaganapin naman sa Oman kung saan maraming OFWs.

Samantala, inaprubahan na rin ng MPBL ang pagsali ng dalawang expansion teams na Bicol  Volcanoes ni coach Monel Kallos at Mindoro Tamaraws na pag-aari ni Justin Tan bilang pang-27th at 28th koponan ng MPBL, ayon sa pagkakasunod.

Magiging bahagi na rin ng liga ang bagong may-ari ng Pasig Pirates na Sta. Lucia Realtors ni Exequiel Robles at Buddy Encarnado.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with