Hotshots didikit na sa titulo

“We only have two wins, kailangan namin apat eh,” ani Victolero sa inaasahan niyang pagbangon ng nagdedepensang San Miguel ni mentor Leo Austria.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Magnolia vs San Miguel (Game 4, Finals)

MANILA, Philippines — Hanggang hindi naitatala ng Magnolia ang ikaapat na panalo ay hindi pa sila dapat magdiwang, ayon kay head coach Chito Victolero.

“We only have two wins, kailangan namin apat eh,” ani Victolero sa inaasahan niyang pagbangon ng nagdedepensang San Miguel ni mentor Leo Austria.

Lalapit ang Hotshots sa kanilang pang-15 korona sa pagharap sa Beermen ngayong alas-7 ng gabi sa Game Four ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Inilista ng Hotshots ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng Beermen matapos kunin ang 86-82 panalo sa Game Three noong Linggo.

Sa nasabing panalo ay humakot ang Magnolia ng 71- rebounds kumpara sa 46 ng San Miguel, nagtala ng masamang 28-of-85 fieldgoal shooting.

Bumida si veteran point guard Mark Barroca mula sa kanyang 22 points, 3 rebounds at 3 assists para ibangon ang Hotshots mula sa 101-108 kabiguan sa Beermen sa Game Two.

Samantala, inaasa­hang tatanggapin naman ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo ang kanyang ika­anim na sunod na Best Player of the Conference award sa All-Filipino confe­rence bago ang Game 4.

Kumolekta si Fajardo ng 41.4 statistical points (SPs) per game kasunod sina Sean Anthony (37.1 SPs), Stanley Pringle (34.8 SPs) ng NorthPort, RR Pogoy (33.6 SPs) ng TNT Katropa at Moala Tautuaa (33.1 SPs) ng NorthPort.

Show comments