Lady Eagles dadapo na sa Finals

Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon kung saan armado ang Ateneo ng twice-to-beat matapos manguna sa double round robin elimination bitbit ang 12-2 baraha.
facebook

MANILA, Philippines — Pakay ng twice-to-beat holder Ateneo de Manila University na umabante na sa finals sa pagsagupa nito sa Far Eastern University sa paglarga ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Final Four ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon kung saan armado ang Ateneo ng twice-to-beat matapos manguna sa double round robin elimination bitbit ang 12-2 baraha.

Nasa No. 4 naman ang  FEU na may 9-5 marka.

Inaasahang ilalabas na ng Lady Eagles ang lahat ng alas nito para masungkit ang unang silya sa finals.

“We’ll work hard and focus first on the semifinals. We’ll pray and work to reach the championship series. Our mindset now is really to get back to the finals,” ani Lady Eagles head coach Oliver Almadro.

Ipaparada ng Ateneo si opposite hitter Kat Tolentino na kandidato rin sa MVP award gayundin sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon na siyang mangunguna sa net defense ng Katipunan-based squad.

Sa men’s division, papalo ang semis match sa pagitan ng No. 2 at twice-to-beat holder FEU at ng No. 3 Ateneo sa alas-2 ng hapon.

Show comments