Dinipensahan ni Mark Barroca ng Magnolia si Kris Rosales ng Rain or Shine sa aksyong ito.
Jun Mendoza
Isa na lang sa Hotshots
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumapit ang Magnolia sa kanilang ika-30 finals appearances para puntiryahin ang pang-15 kampeonato.

Ito ay matapos pabagsakin ng Hotshots ang Rain or Shine Elasto Painters sa krusyal na Game Five, 82-74 ng kanilang semifinals series sa 2019 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Dumiretso ang Magnolia sa kanilang ikatlong sunod na panalo para iposte ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven semis wars ng Rain or Shine.

“Every game one stop kami. Iyon talaga ang mentality namin,” sabi ni veteran guard Mark Barroca.

Puwede nang itiklop ng Hotshots ang kanilang semis duel ng Elasto Pain­ters sa Game Six bukas sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Inilista ng Magnolia, bumangon mula sa 0-2 pagkakaiwan sa serye, ang 13-point lead, 49-36 mula sa three-point play ni Rafi Reavis sa 8:48 minuto ng third period.

Mula sa 74-78 pagka­kadikit ng Elasto Pain­ters sa nalalabing 58.3 segundo, muling inilayo ni Reavis ang Hotshots sa 80-74 sa natitirang 38.8 segundo tungo sa kanilang panalo.

Samantala, habang tumatagal ang kanilang best-of-seven semifinals series ay lalong maraming nasasaktan.

Kaya naman sa Game Five ay pipilitin ng nagdedepensang San Miguel na sibakin ang Phoenix papasok sa kanilang ika-41 finals appearance target ang pang-26 kampeonato.

Bitbit ang 3-1 bentahe sa kanilang semis wars, lalabanan ng San Miguel ang Phoenix ngayong alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 

2019 PBA PHILIPPINE CUP SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with