Davao Occ. humirit ng rubber match

Laro Bukas(Rizal Memorial College Gym, Davao City)

7 p.m. Davao Occ.vs  San Juan Knights      

MANILA, Philippines — Humirit pa ang Davao Occidental Tigers ng winner-take-all match matapos lapain ang San Juan Knights, 77-66 sa Game 4 ng best-of-five National Finals series kahapon sa  2019 MPBL Datu Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Pinangunahan ni  Billy Ray Robles ang hataw ng Tigers sa kanyang 12 puntos sa kabuuang 22 sa huling yugto upang  itala ang kanilang come-from-behind na panalo at itabla ang serye sa 2-2 bago bu­malik ang laban sa kanilang teritoryo bukas.

Naiwanan ng sampung puntos ang Tigers, 47-57  mahigit 8:44 ang nalalabi sa fourth quarter, umarangkada sina Robles at Leo Najorda para buhayin ang asam ng Davao na angkinin ang titulo sa kauna-unahang national finals ng home-and-away league.

Samantala, itinanghal si Gab Banal ng Bacoor Stri­kers bilang MVP sa ikalawang conference ng MPBL.

Show comments