^

PSN Palaro

4 teams unahang dumikit sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasambulat ngayong araw ang best-of-three semifinals tampok ang apat na koponang mag-uunahang makuha ang 1-0 bentahe sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix sa The Arena sa San Juan City.

Masisilayan ang bakbakan ng F2 Logistics at PLDT Home Fibr sa alas-4:15 ng hapon habang aariba naman ang nagde­depensang Petron kontra sa Cignal sa alas-7 ng gabi.

Namamayagpag ang Blaze Spikers na nakasa­kay sa 15-game winning streak kabilang ang straight-set win sa Sta. Lucia Realty sa quarterfinals.

Matikas ang laro ng Petron sa pangunguna nina American imports Stephanie Niemer at Ka­therine Bell ngunit pinuri rin ni Petron coach Shaq Delos Santos ang matikas na inilalaro ng local pla­yers para suportahan ang kanilang reinforcements.

Partikular na gumagawa para sa Blaze Spi­kers sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Molina, Denden Lazaro, Rhea Dimaculangan at Remy Palma na malaki ang kontribusyon para sa tropa.

Mapapalaban ang Blaze Spikers dahil desidido ang HD Spikers na madungisan ang kanilang rekord.

Pinataob ng Cignal sa quarterfinals ang United VC na nagdala pa ng bagong import sa ngalan ni Thai superstar Sutadta Chuewulim.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND

PLDT HOME FIBR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with