St. Clare sososyo sa liderato vs Enderun
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makisalo sa liderato ang tatangkain ng St. Clare College-Virtual Rea­lity sa pagsagupa nito sa Family Mart-Enderun Colleges sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang duwelo ng St. Clare-Virtual Reality at Family Mart-Enderun sa alas-2 ng hapon.

Nais ng St. Clare-Virtual Reality na makuha ang ikaapat na panalo upang samahan ang University of Santo Tomas na nagtataglay ng imakuladang 4-0 baraha para okupahan ang solong pamumuno sa Aspirants Group.

Napanatili ng Saints ang malinis  na  rekord ma­tapos igupo ang Batangas-Emilio Aguinaldo College, 80-73, noong Lunes.

 Magpapang-abot din ang Cha Dao-Far Eastern University (FEU) at Metropac-San Beda University sa alas-4 ng hapon sa Foundation Group gayundin ang Diliman College-Gerry’s Grill at SMDC-National University sa alas-12 ng tanghali.  

2019 PBA D-LEAGUE ST. CLARE COLLEGE-VIRTUAL REA­LITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with